Join The Community

TPS QR Code

Search The Pelican Spectator

Monday, May 11, 2009

Isang Leksyon sa Pagpapahalaga sa Sarili

Ang sumusunod na tula ay repleksyon ng isang lipunang babad sa krisis ng pag-asa; isang pagtunton sa kinalalagyan ng mga Pilipino sa panahong sa isipan ng mamamaya'y lipos na ang paniniwalang ang gobyerno ang makaaalis sa kanilang putikang kinalulugmukan.

Maraming salamat sa ating kamakathang si Oliver S. Carlos sa pamamahagi ng mga taludtod na ito.


Isang Leksyon sa Pagpapahalaga sa Sarili

Ni Oliver S. Carlos

Walang magpapahalaga sa iyo.
Malibang igapos mo at gawing hostage
ang lahat ng empleyado ng recruitment agency
na nanloko sa iyo, sa paniniwalang
ito ang kahulugan ng salitang TABLA

Walang magpapahalaga sa iyo.
Maliban kung agawin mo ang isang school bus
at magbantang pasasabugin ang mga musmos
na nasa loob, sa paniniwalang
ito ang katumbas ng salitang EDUKASYON

Walang magpapahalaga sa iyo
Maliban, kung dahil sa lipas ng gutom, akyatin mo
ang tuktok ng isang billboard sa EDSA, at doo’y
pakaway-kaway na magtangkang tumalon
sa harap ng nagigimbal at nakatingalang mga tao
sa paniniwalang
kapatid ng kawalang-pag- asa ang KATAPUSAN

Walang magpapahalaga sa iyo
Malibang magtanim ka ng granada’t bomba
sa lobby at parking lot ng kongreso
sa paniniwalang ito ang selyo
at lagdang magbibigay kahulugan
sa mga salitang KURAKUTAN at PANLILINLANG

Walang magpapahalaga sa iyo
Malibang buhusan mo ang sarili ng gasolina
at ikaskas ang palito sa gilid ng kahon ng posporo
sa ibabaw ng tulay ng Mendiola. Sa paniniwalang
ito ang dapat itawag sa salitang PROTESTA

Walang maniniwala at magpapahalaga.
Kailanman ay wala.

Malibang pahalagahan mo muna at paniwalaan ang sarili.

At tulad ng lahat, makita ang pinag-uugatan ng lahat ng ito,
maniwala,
na sa sama-samang pagkilos

may mararating ang salitang PAG-AAKLAS.

-Labor Day

*******

ERRATUM: In a recent post entitled The Banishment of Common Sense, I originally wrote that the Customs has violated the Nairobi Protocol to the Florence Agreement (the two are different). It is the Florence Agreement and not the Nairobi Protocol which is being violated, and the Philippines is not a signatory of the latter but of the former. It seems that in the protocol the Florence Agreement's 0% duty-free provision of imported books is amended in favor of 5% imposition of duties for books that are not "educational, scientific and cultural." However, since RP did not sign the protocol it means that we still legally go by the Florence Agreement which states that duty-free importation of all books should be implemented.

0 reacted:

Post a Comment

THE COMMENT SECTION IS UNDER MARTIAL LAW!
Though unmoderated, the webmaster of The Pelican Spectator reserves the right to delete comment posts containing foul language and/or engaging in personal attacks against a person or an institution. Accusations and allegations will also be dismissed unless otherwise supported by verifiable facts. The moderator will also remove comments that are off-topic, and contain product, services and blog promotion.